Una sa Balita

820 preso nagtapos sa ALS

0 215

Tinanggap ng may 820 inmate o Persons Deprived of Liberty (PDL) ang kanilang diploma matapos na magtapos sa Alternative Learning Skills (ALS), habang ang iba naman ay hilot wellness at tile setting na NC-II courses sa loob ng Manila City Jail (MCJ) sa Maynila.

Ang simpleng gradua­tion rites ay ginanap alas-otso nang umaga sa loob ng MCJ kahapon.

Sinabi ni JSInsp.­ Jayrex Bustinera, spokesman ng MCJ, na­ging prayoridad na programa sa loob ng MCJ ang edukasyon para mabigyan ng pagkaka­taon ang mga inmate na gustong makatapos ng kanilang pag-aaral kahit na nasa loob ng bilangguan.

Maaari naman nilang magamit na pangkabuhayan sa kanilang paglabas sa bilangguan iyong mga nakapagtapos ng vocational.

Ang 2019 graduate umano ang pinakamarami kumpara sa mga nagtapos noong 2018 na umano ay nasa 600 graduate.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Maynila at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang naturang proyekto ay bahagi ng rehabilitasyon sa mga bilanggo para maihanda ang mga preso na magkaroon ng mapapasukang trabaho paglabas ng bilangguan.(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy