Una sa Balita

82 loose firearm sa Cavite nasamsam sa 10 araw na operasyon

By
0 646

INIHILERA ng Philippine National Police (PNP) ang 82 sari saring mga armas na nasamsam sa loob lamang ng 10 araw na operasyon ng Cavite Police Provincial Office (PPO) sa pagpapairal ng Commission on Elections (Comelec) gun ban.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, ang nasabing bilang ng mga loose firearm ay nakumpiska sa mga checkpoint, nakuha sa mga search warrant, anti-crime operation habang 52 sa mga ito ay kusang loob na isinuko sa pulisya.

“This is a result of our efforts aimed at reducing risk factors for the coming national and local elections. I expect all Police Regional Offices to likewise intensify their law enforcement operations in their areas,” pahayag ni Albayalde sa naganap na press briefing sa Camp Crame kahapon.

Ayon naman kay Chief Supt. Edward Carranza, Police Regional Office (PRO) 4-A director, mayroong mga politician na nag-surrender ng kanilang mga armas matapos mag-expire ang mga lisensya subalit sadyang hindi nila papangalanan ang mga ito. Ang mga baril na isinuko ay pansamantalang ilalagak sa PNP hanggang sa ma-renew nila ang mga lisensya ng mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy