Una sa Balita

82 dolphins naglutangan

By
0 3

Palaisipan sa mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng nasa 82 false killer dolphins na nakitang lumulutang sa dagat sa Florida, USA.

Ayon sa ulat, iniimbestigahan na ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) at mga biologist ang pagkamatay ng maraming ­dolphins sa Everglades National Park sa Florida.

Sinasabing ito na ang pinakamaraming pagkamatay ng nasabing mammal na naitala mula pa noong 1989.

Nasa 72 dolphins ang nakitang patay sa ­dalampasigan habang 10 pa ang dumaan sa euthanasia ng mga veterinarians dahil sa masamang kondisyon ng mga ito.

Itinuturing na pang-apat na pinakamalaking ­dolphins ang false killer whales na may laking ­mula 15-20 talampakan at may bigat na aabot sa 1,500 tonelada.

Noong 1986 ay aabot sa 28 false killer whales ang nadiskubreng na-stranded sa Key West.