Una sa Balita

82-anyos na lola nagtapos ng high school sa Guimaras

0 347

Nakamit na rin ni Nicanora Calsas ang kanyang pangarap na makuha ang high school diploma kahit 82-anyos na siya.

Si Calsas ay isang balo at may anak na nagtatrabaho sa Hong Kong na si Cecil.

Noong Nobyembre 17, umakyat ito sa ­entablado kasama ang iba pang nagtapos sa Dr. Catalino G. Nava National High School sa San Lorenzo, ­Guimaras.
Hindi naman ­inaasahan ni Cecil na nakapagtapos ng pag-aaral ng high school ang kanyang ina.

Si Lola Nicanora ay naging opisyal ng kanyang barangay sa loob ng 40 taon.

Naging kagawad ito, secretary at prayer leader kapag may namatay sa kanilang komunidad.

Siya ang pinakamatandang barangay health worker ng San Lorenzo at aktibo pa rin sa kanilang komunidad dahil nakatoka ito sa senior citizen ­affairs.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy