Una sa Balita

810K trabaho nilikha ng gobyerno — Bello

By
0 379

PINALAGAN ni Labor­ Secretary Silvestre Bello III ang ulat ng IBON Foundation na nasa 81,000 trabaho lamang ang nalikha ng gobyerno mula 2017 hanggang 2018.

Hindi maikukumpara ang tala ng IBON sa rekord na employment data ng DOLE para sa 2018 dahil nasa 810,000 ang nasa kanilang talaan na isinumite noong nakaraang taon, ayon kay Bello.

Sinabi ng kalihim na bilang patunay, umangat­ pa ng 2.9 porsiyento ang employment rate sa bansa simula nang si Pangulong Rodrigo Duterte ang naupo sa puwesto noong 2016.

Sa katunayan aniya malaki ang naitulong ng ‘Build, Build, Build’ project­ ng Duterte administration, upang lumikha ng maraming trabaho lalo na sa construction industry.

Sa programang ito, ang pamahalaan ay makakalikha ng 800,000 hanggang 1 milyong trabaho kada taon.

Maging ang Malacañang ay pinabulaanan ang naturang ulat ng IBON. Dahil sa kanilang rekord, mayroong 826,000 trabaho na ang nalikha ng kasalukuyang administrasyon para sa taong 2018 lamang.

Kaya hindi kapani-paniwala ang ulat ng IBON na 81,000 lamang ang naitalang trabaho ng DOLE sa mga nakalipas na taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy