Una sa Balita

81 pang sangay ng PCSO ikakalat sa 2020

0 607

TARGET ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na makapagtayo ng may 81 pang sangay sa iba’t ibang probinsya sa bansa sa susunod na taon upang mas marami pa silang matulungang mamamayan na nangangailangan ng ayudang medikal at pinansyal.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Marzan-Garma, nais nilang maabot ng kanilang tulong maging ang mga mamamayang naninirahan sa mga liblib at mga malalayong lugar kaya’t nais nilang makapagtayo ng mas marami pang sangay sa buong bansa.

“The PCSO is committed in aiding the public. We are mainly a charity agency, tasked to help our kababayans,” dagdag pa niya.

Nitong Biyernes, binuksan na ng PCSO ang kanilang sangay sa Apayao, ang ika-68 sa bansa, na inaasahang makapagsisilbi sa may 119, 184 residente mula sa mga munisipalidad ng Clanasan, Conner, Kabugao, Flora, Luna, Pudtol, at Santa Marceia. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy