Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

81 na patay sa Indonesia lindol

0 145

Umakyat na sa 81 katao ang nasawi sa lindol na naganap sa Sulawesi Island sa Indonesia noong nakaraang linggo habang patuloy pa rin ang isinasagawang search and rescue operation ng mga awtoridad.

Matatandaang niyugyog ng magnitude 6.2 ang naturang isla madaling araw noong Biyernes dahilan na ikinagulantang ng natutulog pang mga residente.

Pahirapan ang sitwasyon lalo pa at mayroong pandemya sa COVID-19 kaya nagsasagawa rin ng rapid antigen test ang mga awtoridad para sa mga evacuee.

Nagbabala rin ang mga awtoridad ng posibleng mga aftershock sa Sulawesi Island.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.