Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

81-anyos lodi sa skateboarding

0 201

May kasabihan sa ating mga Pilipino: “Kalabaw lang ang tumatanda.”

Pero bagaman hindi Pinoy, tila ito ang nasa isipan at puso ng 81-taong gulang na Japanese na pinapatunayan na hindi hadlang ang edad para ma­tuto ng mga bagong karanasan, tulad na lamang ng skateboarding.

Tuwing umaga ay nagtutungo si Yoshio Kinoshita sa local skate park sa Osaka City, Japan para mag-skate­board.

Dalawang taon na sa skateboarding si Yoshio, na may dalawang anak at dalawang apo.

Nagsimula ito nang bilhin niya ang skateboard sa isang market na nagbe­benta ng unclaimed goods na naiwan sa railway. Aniya, mas lumakas ang loob niyang su­bukan ang nasabing extreme sport dahil nakainom siya noong panahong iyon.

Related Posts

Aminado si Yoshio na noong umpisa ay huma­hawak pa siya sa mga railing habang nag-e-skate­board pero kalaunan ay natuto na siya ng 180 de­gree turn at iba pang mga estilo.

Nakakakuha rin aniya siya ng magagandang tips at tricks mula sa mga kapwa skateboarder na ilang taon o dekada rin na mas bata sa kanya.

Bago magretiro ang lolo ay nagtatrabaho siya sa building industry. Sa ngayon naman, isa siyang part-time attendant sa isang bicycle parking area.

Sikat na sport ang skateboarding sa bansang Ja­pan. Samantala, maraming residente sa nasabing bansa ang edad 65 pataas na kaya hindi nakapag­tataka kung darami pa ang mga senior skateboarder na gaya ni Lolo Yoshio. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.