Una sa Balita

80th birthday party ni Mother Lily dinumog ng mga sikat na artista, politiko

By
0 544

abante-i-know-better-jun-nardoNabulabog ang Crowne Plaza­ Hotel nang magsama-sama ang rich and famous mula sa mundo ng showbiz, business at politics sa 80th birthday celebration ni Mother Lily Monteverde nu’ng Linggo, Agosto 19!

Paandar ang entrance ng Ina ng Pelikulang Pilipino sa grand ballroom dahil isang dance number ang ginawa niya kasama ang ilang dancers sa tugtog ng 80s music. At 80, ang lakas-lakas pa ng energy ni Mother Lily, huh!

Take note sa isang bahagi ng saya niya eh, may paandar pa siyang lifting!

Mula sa suot na white dress sa number, change costume ang Regal Matriarch sa fuchsia dress saka umikot sa ballroom para pasalamatan, mapa-picture sa kanyang guests. Sa rami ng gustong bumati at magkaroon ng foto sa kanya eh, ang hirap makalapit kay Mother na punumpuno pa rin ng sigla at walang kapaguran.

Of course, present ang business tycoon na si George Yang at naghandog ng kanta kay Mother.

Ilan naman sa namataan naming politicians ay sina Manila Mayor Joseph Estrada and son, Senator Jinggoy Estrada, Senator Kiko Pangilinan, Senator­ Sonny Angara, Congressman Winnie Castelo­ and wife Precious Hipolito,
Congresswoman­ Imelda Marcos and daughter, Governor Imee Marcos, at ilang opisyal ng administrasyon, MTRCB Chairwoman Rachel, Assistant Communications Secretary Mocha Uson at iba pa.

 

Vilma Santos ayaw maging Mother Lily

Sa bigwigs sa showbiz, naki-party rin si Congresswoman Vilma Santos-Recto. Nagbigay ng birthday message si Ate Vi kay Mother na nagsabing, “Hindi ko kayang gawin ang life story ni Mother. Mahirap siyang gayahin!”

Siyempre pa present si Sharon Cuneta. Nagpa­salamat siya sa Regal producer sa pagkakataong makagawa ng pelikula sa Regal.

Sa totoo lang, ang dami-daming artistang bumati kay Mother Lily! Ayon nga sa kanya, “I am rich!” Yes, mayaman siya hindi lang sa materyal na bagay kungdi mayaman sa mga kaibigan na patuloy na nagmamahal sa kanya sa edad niyang 80!
Happy, happy birthday,­ Mother Lily and continue to be an ins­piration to everybody!