Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

80K OFW na balik-PH babantayan sa bagong variant

0 41

Papalo sa 70,000 hanggang 80,000 mga stranded overseas Filipino worker (OFW) ang inaasahang makakauwi sa Pilipinas, ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Cacdac.

“Ang concern natin ay ang bagong variant. Mga 70,000 hanggang 80,000 ang darating pa na naapek­tuhan ng COVID-19, and then ‘yong naapektuhan ng travel ban sa UAE (United Arab Emirates), mahigit kumulang 5,000 sila. At ang mga dumadating na re­gular passengers, ‘yong uuwi talaga, magbabakasyon,” sabi ni Cacdac.

Una nang pinalawak ng gobyerno ang travel ban sa mga papasok na manlalakbay mula sa UAE at anim na iba pang mga bansa hanggang Hunyo 30 dahil sa banta ng Delta variant o ang variant na nagmula sa India.

Sa kabilang banda, sinabi ni Cacdac na inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang Special Allotment Release Order na P5.2 bilyon, na mas mababa sa orihinal na hiniling ng OWWA na P9.8 bilyon.

Dagdag pa niya, inaprubahan na rin ng DBM ang paglalaan ng salapi ng OWWA na P1.2 bilyon, na ilalabas na dagdag.

Ayon sa kanya, ang P5.2 bilyon ay ginagamit para sa pangangailangan gaya ng tirahan ng mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.