Una sa Balita

800K raliyista sinara ang mga kalsada sa Hong Kong

0 551

LIBO-LIBONG protester ang nakiisa sa pro-democracy demonstration at sinakop ang malaking bahagi ng Hong Kong.

Ayon sa mga protest group sa Vox report, ito na ang pinakamalaking bilang ng mga protester na nagtungo sa mga kalsada sa serye ng mga anti-government protest sa Hong Kong na nagsimula noong Hunyo at namarkahan na ang anim na buwang protesta.

Ito rin ang unang pagkakataon na pinayagan ng kapulisan ang kilos-protesta na pinangunahan ng Civil Human Rights Front, isang pro-democracy group.
Isinagawa nila ang largest protest para i-pressure ang gobyerno na gawin ang demand nila para sa ‘greater civil liberties’.

Sabi ng mga organizer, nasa 800,000 katao ang dumalo subalit ayon sa HK police ay nasa 180,000 lamang ang bilang ng mga nagsagawa ng kilos-protesta Linggo ng gabi.

Samantala, inaresto naman ang may 11 katao matapos makuhanan ng mga baril.

Magugunitang nagsimula noong Hunyo ang kilos protesta sa HK dahil sa pagkontra sa extradition bill na nauwi na sa mga anti-government protest.
(Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More