Una sa Balita

8,000 pulis ikakalat sa ADB meeting

By
0 3,089

Aabot sa 8,000 pulis at iba pang law enforcement unit ang ikakalat ng Philipine National Police (PNP) para sa seguridad ng taunang high level meeting ng Asian Development Bank (ADB) sa Pasig City na dadaluhan ng matataas na opisyal mula sa ibang bansa.

Ayon kay PNP deputy chief of operation Deputy Director Ge­neral Fernando Mendez na aabot sa 8,000 kapulisan ang ikakalat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para masiguro seguridad sa ADB Board of Governors Annual Meeting 2018 na sisimulan sa Mayo 2 hanggang Mayo 6 ng taong kasalukuyan kung saan darating sa bansa ang 67 finance at economic ministers ng iba’t ibang bansa gayundin ang 3,000 delagado, international media at iba pa.

Ayon naman kay Chief Supt. William Macavinta, commander ng red team na siyang responsable sa security sa venue katulad ng mga hotels sa Pasig City hanggang Taguig at Makati City na sa ngayon ay maayos at naa­yon sa plano ang kanilang pagha­handa sa nasabing malaking taunang event na ito.