Una sa Balita

80 Pinoy mula sa Japanese cruise ship may COVID-19

0 357

UMAKYAT na sa 80 ­Pinoy crew na sakay ng MV Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, ­Japan ang nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (­COVID19).

Ito ang kinumpirma kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III, dahilan para umabot na sa 85 ang bilang ng mga Pinoy na dinapuan ng sakit sa ibang bansa.

Nalaman na unang inanunsiyo, kamakalawa na nasa 59 lamang ang mga Filipino crew na nagpositibo sa COVID-19 pero nadagdagan ng 21 bagong kaso kaya ­naging 80 ang bilang ng mga ­Pinoy sa cruise ship na ­dinapuan ng COVID-19.

Nilinaw naman ni Duque na pawang mild lamang ang nakikitan sintomas sa mga Pinoy at mahigpit nang binabantayan ang lagay na kanilang kalusugan sa iba’t ibang pagamutan.

Kangnay nito ­nananatili pa rin sa dalawa ang mga Pinoy na may ­COVID-19 sa United Arab Emirates (UAE).

Samantala, dumating na sa bansa kagabi ang may 469 Filipino mula sa Diamond Princess.

Dumating sila bandang alas-8:30 ng gabi at ang isa ay 10:40 ng gabi dumating sa Haribon Hangar sa Pampanga at idiniretso sa Athlete’s Village sa New Clark City, Capas, Tarlac, upang sumailalim sa 14 pang araw na quarantine.

Sinabi ni Duque na mahigpit ang gagawing pagbabantay sa kondisyon ng mga naka-quarantine sa Athlete’s Village.

“‘Yung airline crew, dahil hindi naman sila lalabas, naka-sealed off sila, baka hindi na ito ­i-quarantine, naka-PPE naman sila, personal protective equipment, at hindi lalabas ng kanilang cabin, ‘yung pilot’s cabin,” ayon kay Duque.

Hindi pa malinaw ayon kay Duque kung kasama sa mga pinauwi ang dalawa sa mga crew ng barko na una nang nag-positibo sa virus, ngunit iniulat na nakarekober na mula sa karamdaman. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More