Una sa Balita

80 nabingwit sa ‘Oplan Galugad’

By
0 2

Naaresto ang 80 katao na umano’y luma­bag sa ordinansa ng local na pamahalaang Lungsod ng Taguig sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ operation ng mga awto­ridad sa dalawang bara­ngay sa lungsod.

Sa report ni Sr. Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City Police, alas-10:00 ng gabi nang isagawa ng kanyang mga tauhan ang operasyon sa mga Bgy. Ususan at Bgy. Tuktukan ng nasabing lungsod.

Ayon kay Santos, dala­wang lalaki ang nahulihan ng iligal na droga, 35 dito ay menor-de-edad na lumabag sa curfew at 30 ang lumabag sa batas trapiko.

Abante Hiring – IT dep

Dinampot din ang anim dahil walang damit na pang-itaas, pitong nag-iinuman at isang naninigarilyo sa pampublikong lugar.

Sinabi pa ni Santos, nakumpiskahan naman ang dalawang lalaki ng ilang pirasong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Aniya tumagal nang hanggang alas-tres ng madaling-araw ang kanilang isinagawang Oplan Galugad sa nasabing lugar. Bukod pa dito aniya, sumailalim naman ang 58 na nahuli nila sa maiksing programa na pinangunahan ng kapulisan at lokal na pamahalaan.