Una sa Balita

80 fire cracker zone itinalaga sa Maynila

0 375

NAGTALAGA ang Manila Police District (MPD) ng 80 lugar para maging ‘fire crackers zone’ sa Maynila sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay MPD Director PS/Supt. Vicente Danao Jr. bilang tugon ito sa Malacañang Executive Order No. 28, na maglagay ng sa­rili­ nilang fireworks display para salubungin ang bagong taon. Kasabay nito, nakikipag-koordinasyon ang MPD sa mga local government unit at iba pang government agency para sa seguridad ng ilalagay na community fireworks displays sa kanilang lugar.

Nagbabala rin sa publiko si Danao sa mga nagbebenta at gagamit sa mga ipinagbabawal na paputok. Nalaman na karamihan sa mga itinalagang fire crackers zone ay mga covered court at plaza sakop ng Maynila.

Magkakaroon rin ng sariling fireworks display ang Ocean Park na sakop ng MPD-PS5 kung saan maaring makapanood ang publiko at Plaza Lorenzo Ruiz sa Binondo.

Samantala, tiniyak kahapon ng Pasay City Police ang seguridad ng mga dadalo sa gaganaping New Years eve celebration na gagawin sa mga malalaking establisimyento partikular na sa Mall of Asia (MOA) sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Binalaan naman ang mga mamamayan at motorista sa Muntinlupa na huwag magbebenta ng mga paputok at huwag gami­ting pampaingay ang kanilang sasakyan para salubungin lamang ang Bagong Taon dahil huhulihin ang sinumang lalabag dito.

Sa Makati City, pinaalalaha­nan ni Makati Mayor Abigail Binay ang mga residente sa Barangay Bangkal, Pio del Pilar at Magallanes hinggil sa umiiral na ordinansa na nagbabawal sa pagbebenta, paggawa, pag-iimbak, pagkakaroon o paggamit ng lahat ng uri ng mga firecracker. (Juliet de Loza/­Armida Rico)