Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

80-anyos grumadweyt! Lolo, 2nd honor sa high school

0 17

Pinatunayan ng isang octogenarian mula sa Marinduque na hindi hadlang ang edad kung pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Sa kanyang edad na 80 ay natapos ni Teofilo Lacorte Bonites Sr., o Lolo Philo ang junior high school sa Alternative Learning System (ALS) program ng Department of Education sa Gasan District.

Ayon sa ulat, bukod sa pagiging pinakamatandang ALS passer ay 2nd honor din si Lolo Philo nang magtapos sa Bacongbacong Community Learning Center noong July 16.

Pangarap daw talaga ni Lolo Philo ang makapag-aral at itutuloy ito hanggang sa kolehiyo upang maging journalist.

Sa Facebook ibinahagi ni Chona Recto ang graduation photo ni Lolo Philo. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.