Una sa Balita

8 turista sa Jordan sinaksak

0 477

WALO ang sugatan matapos manaksak ang isang 22-anyos na lalaki noong Miyerkoles sa Jordan.

Kabilang sa mga biktima ang mga turis­tang mula sa Mexico at Switzerland, ayon sa The Guardian.

Ang iba ay dalawang­ Jordanian police officer,­ isang tour guide at isang driver.

Naaresto naman ang suspek sa pinangyarihan ng insidente sa sikat na pasyalan ng mga turista sa Jerash, Jordan.

Nagmula siya sa kalapit na Palestinian refugee camp housing.
Ayon sa American tourist na nakasaksi sa pag-atake, palapit na sila ng kanyang tour group sa Roman city na hippodrome nang marinig ang nangyayaring komosyon.

Nakita na lang nilang duguan ang mga biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy