Una sa Balita

8 truck ng basura nahakot sa Roxas Blvd

By
0 258

Nasa walong truck ng basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority sa isinagawang clean up drive sa Roxas Blvd., Maynila kahapon nang umaga.

Sinuyod ang kahabaan ng Roxas Blvd. ng mga tauhan ng MMDA partikular na ang bahagi ng Manila Bay sa tabi ng US Embassy.

Ayon kay Francis Martinez, head ng MMDA Metro Parkways Clearing Group, karamihan sa mga nahakot na basura ay mula sa Navotas, Malabon, Parañaque at sa area ng Cavite na inanod sa Roxas Blvd.

Sinabi ni Martinez na ito ang u­nang clean up drive ng MMDA sa Roxas Blvd. ngayong buwan na at plano na itong gawing lingo-linggo bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-43 Anibersaryo ng ahensiya sa Nobyembre 7.

Kamakalawa ng hapon, umabot sa 10 na truck ng basura ang nahakot mula sa Manila North Cemetery matapos ang pagdagsa ng 1 milyong tao nang guni­tain ang Todos Los Santos.

Nakuha mula sa mga puntod, nitso, at gilid ng 50-ektaryang semen­teryo ang mga papel, lalagyan ng mga pagkain, kubyertos, at iba pang mga kalat.

Hanggang kahapon ay nagtulong pa rin sa isinagawang clean-up drive sa loob ng mga sementeryo kabilang na ang MMDA at non-government organization upang makatulong sa pagbabawas ng basura. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy