Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

8 timbog, P38M shabu nasabat sa buy-bust

0 82

NAARESTO ang walong drug suspect sa magkakahiwalay na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Southern Police District nitong nagdaang 48 oras, at narekober ang halos P38M o kabuuang P37.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

Sa report, Biyernes nang maaresto ang 56-anyos na lalaki sa buy-bust operation sa Col. Santos St., Barangay South Cembo, Makati. Kabilang sa nakuha ang P32,600M halaga ng hinihinalang shabu.

Pagdating sa Parañaque, timbog ang 32-anyos na lalaki sa drug bust operation ng PDEA National Capital Region sa Lombos Ave., Barangay San Isidro. Nasamsaman ito ng nasa 5-kilo ng hinihinalang shabu.

Nakabalot pa ito sa metallic gold na tea pack at may street value na P34 milyon.

Habang sa Muntinlupa naman, huli ang dalawa pa. Nakuhanan sila ng ½ kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P3.4 milyon.

Sa may Pateros, apat ang timbog. Isa sa kanila ay tanod pa. Aabot sa P357K halaga ng shabu ang nasabat. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.