Una sa Balita

8 sasakyan sinuyod ng trak, 4 sugatan

By
0 1

Apat ang sugatan matapos araruhin ng isang delivery van ang walong sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay 2, Alaminos, Laguna kahapon ng umaga.

Ayon kay S/Insp Jollymar Seloterio, hepe ng Alaminos Police, dakong alas-10:30 ng umaga, galing sa direksyon ng Maynila ang delivery van na may plate number TXY 793 nang masalpok nito ang sinusundang Toyota Rav4.

Tuluyang nawalan ng kontrol ang driver na kinila­lang si Jay Mark Lucas y Cabatingan,24, taga-Nueva Ecija at sinagasa pa ang pitong sasakyan kabilang ang isang jeep, dalawang kotse, tatlong motorsiklo at isa pang truck na karamihan ay nakahimpil sa isang gasoline station.

Nagtamo ng mga minor injuries ang mga biktima at isinugod sa ospital.