Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

8 sanggol, 9 bata na-virus sa Tarlac

0 139

Walong sanggol at siyam na bata ang kabilang sa 232 bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac nitong Miyerkoles.

Ayon sa provincial government ng lalawigan, ang mga sanggol ay mula sa mga bayan ng La Paz, Concepcion, Capas, Bamban, at Tarlac.

Habang ang siyam na iba pang bata na nasa 2 hanggang 10 taong gulang ay naka-quarantine ngayon. Sila ay mula sa Tarlac City, at sa mga bayan ng Bamban, Capas, Moncada, at San Clemente.

Samantala, kamakalawa rin nang makapagtala ang Tarlac ng 200 bagong nakarekober, at isang bagong namatay dahil sa coronavirus. ­(Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.