Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

8 sabungero huli sa tupada

0 293

Nalambat ng Mandaluyong City Police ang walong katao na iligal na nagsagawa ng tupada noong Sabado.

Kinasuhan ng paglabag sa PD 1602 o illegal gambling act ang mga suspek na sina Joshua Florez, 21; Jefferson Patingo, 31; Michael Sevilla, 36; Daniel Joseph Florez, 18; Maximo Narag, 38; Charles Rudolf Garcia, 19; Ben Nagas, 59, at Lourge Rudolf Garcia, 21, pawang­ mga residente ng nasabing lungsod.

Inaresto sila matapos magsagawa ang awtoridad ng anti-illegal gambling operation sa San Ignacio Street, Barangay Plainview bandang alas-12:30 ng tanghali kahapon.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang panabong na manok na may tari at P2,200 bet money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Mandaluyong detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.