Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

8 sa 10 Pinoy pabor ibalik ang Dos

0 231

Pebrero 2021 na pero hindi pa rin tumitigil ang pag-asa sa puso ng mga Pilipino na bumalik na ang ABS-CBN sa ere at mapanood na itong muli sa TV.

Sa katunayan, walo sa sampung Pilipino ang sang-ayon sa pagbabalik ng operasyon ng ABS-CBN, ayon sa inilathala na survey ng research firm na WR Numero Research.

Limang libong respondents mula sa iba’t ibang parte ng bansa ang sumagot ng naturang survey noong Enero 11 to 15 sa pamamagitan ng isang mobile app.

Ang kinailangan nilang saguting tanong ay “Sang-ayon ka bang maibalik muli ang operasyon ng ABS-CBN?”

Pahayag naman ng WR Numero Research, ang naging resulta ng survey ay “Eight in ten are in favor of ABS CBN’s return” at anim daw sa walong ito ay “strongly in favor” sa pagbabalik ng ABS-CBN.

Kamakailan lamang isinapubliko ang resulta ng nasabing survey, kasabay ng pagsulong nina Sen. Tito Sotto, Rep. Vilma Santos-Recto, at Rep. Edcel Lagman ng kani-kanilang Senate at House Bills upang bigyang ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Leave A Reply

Your email address will not be published.