Una sa Balita

8 produktong pampapayat, pampaputi ibinawal ng FDA

By
0 995

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa walong food supplements na pampapayat at pampaputi na hindi rehistrado sa ahensiya.

Kabilang sa mga produkto ay ang mga sumusunod: Little Baby Black Co­ffee Instant Coffee Mix Plus L-Carnitine 500, LI DA Weight Loss Capsule, DRTEA Herbal Tea Paragis, DETOXI SLIM fast slimming capsules, MAX SLIM 7 days 7kg Weight Loss, Fuling Ruan Jiaonang Ishou, Gluta Prime Plus +2,000,000 mg, at Supreme Gluta White 150000 mg whitening & aging.

Ayon sa FDA, dahil hindi rehistrado sa ahensiya ang nasabing mga produkto, ang pagbenta, pag-angkat, paggamit at paggawa ng mga produktong ito ay bawal.
Dahil hindi rehistrado, hindi ito nasuri kaya hindi nila magagarantiya ang kalidad ng mga produkto at kaligtasan ng mga gagamit nito.
Pinayuhan ng FDA ang publiko na huwag bilhin ang mga produktong nasabi at maging mapanuri sa mga pagkain at food supplements na binibili.