Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

8 Pinoy swak sa Forbes lodi list

0 56

Pasok sa 30 Under 30 Asia 2021 list ng Forbes ang walong Pilipino kabilang ang isang negosyante, isang COVID-19 researchers , at musician.

Sa prestihiyosong listahan na inilabas nitong April 20, kinilala ang 300 millennial at gen z leader na matapang na hinarap ang mga hamon dulot ng COVID-19 pandemic at gumawa ng mga bagong oportunidad sa gitna ng new normal.

Kabilang dito sina Guendoline Rome Viray Gomez, kilala bilang London-based musician No Rome at unang Pinoy na nag-perform sa Coachella noong 2019; Rexy Josh Dorado, co-founder ng Kumu, isang social media live streaming app.

Kasama rin sina Angela Chen at Aurelien Chu, founder ng Eskwelabs; Ryan Gersava, founder ng Virtualahan; Carmina Bayombong, cofounder ng InvestED; Edward Christopher Dee, COVID-19 researcher; at Gab Mejia, photographer. (Dolly Cabreza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.