Una sa Balita

8 Pinoy mathlete nagpasiklab sa Hanoi

0 214

10 medalya iniuwi

NAKASUNGKIT ng sampung medalya sa katatapos na 16th Hanoi Open Mathematics Competition (HOMC 2019) sa Vietnam nitong unang linggo ng Abril ang mga tinaguriang Pinoy mathletes na mga estudyante.

Ipinamalas ng mga senior at junior high school student mula sa ilang eskuwelahan sa bansa ang kanilang husay sa inorganisang event ng Hanoi Department of Education and Training at Hanoi Mathe­matics Society.

Ang Mathematics Trainers Guild Philippines na siya ring nanguna sa paghakot ng medalya sa Mathematical Triathlon Apollonia sa Bulgaria ang nagsanay at gu­mabay sa mathletes na bahagi ng kompitesyon.

Kabilang sa mga umani ng medalyang ginto ay sina Bryce Ain­sley Sanchez, Grade 10, Grace Christian College; Immanuel Josiah Balete, Grade 10, Saint Stephen’s High School; silver naman sina Enzo Rafael Chan, Grade 8, Bayanihan Institute-Tarlac; Rickson Caleb Tan, Grade 8, MGC New Life Christian Academy habang bronze naman ang nasikwat nina Cassidy Kyler Tan, Davao Christian High School; Noel Stephen Dequito, Xavier School Nuvali; Daryll Carlsten Ko, Grade 10, Saint Stephen’s High School at Issam Wang, Grade 10, Manila Science High School.

Nakamit din ng mga Pinoy mathletes ang da­lawang bronze medal sa team contest.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy