Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘8’ ni Simon ireretiro ng Magnolia

0 292

Dahil sa coronavirus, na-delay ang sana ay espesyal na seremonya na inihanda ng Magnolia para sa veteran player nilang si PJ Simon.

Ipinagpaliban muna ng Hotshots ang retirement ceremony sa jersey No. 8 ng player kapag nawala na ang COVID-19 threat.

“I-re-retire namin jersey niya ‘pag normal season na,” pahayag nitong Miyerkoles ni Rene Pardo, kinatawan ng Magnolia sa Board. “Mahirap gawin sa bubble, eh.”

SM food to go Banner Ad

Hindi na sasama ang ‘Super-Sub’ na si Simon sa PBA bubble sa Clark. Balik ang Philippine Cup sa Oct. 9, inaasahang matatapos ang torneo sa Dec. 9.

Nagluluksa pa ang tubong Makilala, Cotabato sa pagkamatay ng ama ilang araw na ang nakakaraan.

Huling conference na sana ni Simon, 40, ang all-Filipino pero nakansela noong March. Nakakaisang laro pa lang sa season, ang 94-78 loss ng Magnolia sa San Miguel.

Unang iniskedyul ang jersey retirement ni Simon nitong May 10. (Vladi Eduarte)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.