Una sa Balita

8 kompanya agawan sa third telco

By
0 365

HADLANGAN man ng korte ay ipagpapatuloy pa rin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magkaroon ng major telecommunications player o third telco sa Nobyembre 7 ng kasalukuyang taon.

Ito ang kinumpirma ni DICT Officer-In-Charge Eliseo Rio sa pagdinig ng Senate committee on public services hinggil sa pagpasok ng third telco sa bansa.

“By Nov. 7 we will have a provisional third telco barring any decision from the court. We are on track in fulfilling President Duterte’s desired timeline, which is to have an NMP (new major player) by November of this year,” sabi ni Rio.

Isang computer naman ang gagamitin ng gobyerno, ayon kay Rio, sa selection process ng new player na nagnanais makakuha ng prangkisa.

Nasa walong kompanya, tatlo ang foreign, ang kinumpirmang bumili ng P1 milyong bid documents upang payagan silang mag-bid sa isang slot.
Ilan sa mga bidder ay ang dalawang malala­king telecommunications sa bansa tulad ng Globe at Smart Telecom.

Nilinaw naman ni Rio na hindi ito magkakaroon ng tinatawag na money-making scheme sa paraan ng selection ng new player.