Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

8 katao inalon ng bagyo

0 103

Talamak ang naging disgrasya sa dagat sa hagupit ng bagyong Quinta kung saan 10 katao ang nasagip habang walong iba pa ang nawawala matapos na abutin sa laot ang mga ito sa Laoang, Northern Samar at Bauan, Batangas.

Ayon kay Sonny Boy Lim ng Laoang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) tatlo sa sampung mangingisda mula sa Rapu-Rapu, Albay ang kanilang nasagip.

Patuloy pa ring pinaghahanap ang pitong kasama ng mga ito habang nasa pangangalaga ni kapitan Ian Datera ang tatlong mangingisdang na-rescue na kinilalang sina Michael Loyola Bilon, 28; Jessie B. Adornado, 32; at Rico B. Alamil, 41.

Samantala isang yate naman ang lumubog sa karagatan sakop ng Bauan, Batangas sa kasagsagan ng bagyong Quinta sa lalawigan.

Sa isang panayam sa radyo kay Joselito Sinocruz, manager ng Batangas port, lumubog ang yateng Ocean Explorer III kung saan nakasakay ang walo katao.

Mabilis naman ang ginawang pagresponde ng mga tauhan ng pantalan at Philippine Coast Guard (PCG) at nasagip ang pito sa mga ito habang isa pa ang nawawala na tinagay ng malalaking alon ng dagat.

Patuloy pa rin ang ginagawang search and rescue operation para sa mga nawawala. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.