Una sa Balita

8 kalaboso sa derby ng gagamba

By
0 384

WALONG kalalakihan kabilang ang isang menor-de-edad ang naaresto ng mga pulis habang nagsasagawa ng ‘derby’ ng mga gagamba sa Majayjay, Laguna kamakalawa nang gabi.

Sinalakay ng mga tauhan ng Majayjay police ang lugar sa Brgy. San Francisco matapos na makatanggap ng report hinggil sa malaking pustahan ng mga nagsusugal dakong alas-otso nang gabi.

Nakumpiska sa mga naaresto ang 23 mga buhay na gagamba na ginagamit sa pustahan at bet money na nagkakahalaga ng P400.

Dinala ang mga naaresto sa himpalan ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal gambling.

Ayon sa mga naaresto, naglilibang lamang umano sila sa larong labanan ng gagamba at hindi nila alam na kasama ito sa mga ipinagbabawal na sugal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More