Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

8 kakataying aso nasagip

0 129

Nasagip ang walong aso sa Pandi, Bulacan na nakatakda sanang katayin at ipagbenta ang karne nito.

Nangyari ito sa ikinasang rescue operation ng pulisya katuwang ang Animal Kingdom Foundation na ikinaaresto ng dalawang caretaker.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga nahuling suspek ay siya umanong nangangasiwa sa pagkatay at pagbebenta ng mga karne ng aso.

Nabatid na natiyempuhan pa ang gagawing bentahan sa mga karne nito, subalit hindi na umano nila naabutan ang sana’y buyer nito.

Ang dalawang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act of 1998.

Leave A Reply

Your email address will not be published.