Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

8 inararo ng trak

0 125

Masuwerteng pa­wang sugatan lang ang walong katao, kabilang ang apat na kababaihan, nang araruhin ng isang tanker truck ang isang nakatigil na pampasaherong jeepney, mga nag-aabang na tao, at isang tricycle sa Tanza, Cavite Martes ng umaga.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Reneboy Ostia, 50, jeepney driver; Dyan­be Borden, 34; at Joy Roquero, 28, pawang ng Carissa Homes, Brgy. Punta 1, Tanza; Jessa Solsona, 27; Aldrin Ardina, 25; Henilyn Ducusin, 34, at ang driver ng tricycle na si Joselito Arias, 52, pawang ng Brgy. Punta 1, Tanza; at si Rosemarie Lopez, 32, ng Brgy. Paradahan 1, Tanza.

Habang ang driver ng tanker truck ay kinilalang si Anthony Laberinto, 59, ng Sorosoro Karsada, Batangas City.

Sa ulat ng Tanza Police, dakong ala-5:45 kamakalawa ng umaga nang maganap ang insidente kung saan minamaneho ni Laberinto ang isang tanker truck habang binabagtas ang Tanza-Trece Road sakop ng Brgy. Punta 1, Tanza, Cavite nang umano’y nagkaroon ng mechanical failure at hindi na niya makontrol ang kanyang manibela.

Kaya niya naararo ang isang nakaparadang jeepney na naghihintay ng pasahero, isang tricycle na minamaneho ni Arias, at mga nag-a­abang na pasahero.

Dinala ang mga biktima sa pinakamalapit na ospital at masuwerteng pawang sugatan lamang sila. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.