Una sa Balita

8 heavy equipment sa ginagawang kalsada sinilaban

By
0 411

ISANG grupo ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army(NPA) ang sumalakay sa Brgy. Hinalaan, Kalamansig, Sultan Kudarat at sinunog ang walong heavy equipment na ginagamit sa ginagawang kalsada sa nasabing lugar.

Sa naantalang ulat, sinabi ni Police Regional Office 12 Director Chief Supt. Eliseo Tam Rasco na nakasuot ng fatigue uniform ang mga suspek na nasa 20 katao at dumating bandang alas-4:50 nang mada­ling-araw sa Janmerc Construction Company at sinilaban ang walong heavy equipment nito.

Kabilang sa mga nasunog ang payloader, cement mixer, cargo truck, road roller, dump truck at backhoe.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy