Una sa Balita

8 gramo ng shabu nasabat sa 2 tulak

By
0 4

Dalawang lalaking tulak ng droga ang nalambat sa buy-bust ope­ration ng Cavite Component Police Station sa Cavite City, kamakalawa ng hapon, na humantong pa sa umaatikabong ha­bulan sa pagitan ng isa sa mga suspek at mga ­operatiba.

Inaryahan ni team leader Police Senior Insp­. Gilbert Derla, ang unan­g arangkada dakong alas-12:30, na nagresult­a sa pagkakaaresto kay Christian Santos y Chua sa Brgy. 42M San Antonio.

Tinangkang tumakas ng suspek nang tumakbo at nag-ober-da-bakod pa, ngunit nasakote pa rin ito at narekober sa posesyon nito ang apat na plastic ­sachet ng shabu.

Makalipas ang dala­wang oras, 21 pirasong shabu naman ang nakum­piska sa suspek na si Ale­xander Junio y Rañin sa Brgy. 36M sa nasabi pa ring lungsod, tinayan­g nasa higit 8 gramo ang timbang ng ilegal na ­droga.