Una sa Balita

8 fixer sa LTO dinakma

By
0 547

PINAGDADAMPOT ng mga awtoridad ang walong sinasabing fixer sa Land Transportation Office (LTO) sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito T. Esquivel Jr. ang mga suspek na sina Ruben San Jose Jr., 41; Ronel Pa­yonga, 36; Archie Sesbreño, 45; Renato Manlangit, 34; Dexter Tequin, 23; pawang re­sidente ng Brgy. Gulod; Ariel San Jose, 25, ng Brgy. Kaligayahan; A­lexander Fiesta, 43, ng Norzagaray, Bulacan at Leonil Macatuggal, 33, ng Bagong Silangan, Caloocan City.

Sa report, alas-10:20 nang gabi nang isa-isang damputin ng mga tauhan ng QCPD Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni PSupt Gil Torralba sa LTO-Novaliches sa Brgy. Kaligayahan ang mga fixer.

Nabatid na isang impormante ang nag-tip sa mga awtoridad na naglipana at madalas umanong nambibiktima ang mga fixer sa tapat ng tanggapan ng LTO sa nasabing lugar.

Dahil dito, agad kumilos ang mga operatiba ng DSOU kung saan naaktuhan ang mga suspek sa kanilang iligal na aktibidades at dinakma.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy