Una sa Balita

8 Chinese national sinuyod sa illegal online pasugalan

0 343

WALONG Chinese national kabilang ang isang babae ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office-Regio­nal Special Operations Unit (NCRPO-RSOU), Bureau of Immigration (BI) at Makati City Police nang salakayin ang isang bahay na ginagamit sa online gambling sa Barangay San Lorenzo, Makati City kamakalawa nang gabi.

Sa pamamagitan ng search warrant, nadakip ang walong suspect na sina Li Chenchen, Hong Yu, Li Huimin, Cai Jian, Lei Chijin, Xiong Yaowli, Lin Yufei, Peng Cun, kapwa nasa hustong gulang at pawang mga Chinese national at naninirahan sa No. 22-A, Briones St., San Lorenzo Village, Barangay San Lorenzo ng na­sabing lungsod.

Base sa isinumiteng report ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, dakong alas-10:00 nang gabi nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang bahay ng mga suspek sa No. 22-A, Briones St. ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Eleazar, sa pamamagitan ng inihain na search warrant, pinasok ng mga awtoridad ang bahay ng mga suspek na kung saan nakatanggap sila ng impormas­yon na may iligal na aktibidades hinggil sa online illegal gambling ang mga ito.

“Mayroon pang ibang illegal operations na minamanmanan ang ating mga pulis. Napakaraming impormasyon na nakukuha tayo lalo na sa posh villages na nagrerenta,” ani ni Eleazar.

Sinabi pa ng opisyal, ginagawang hide out ng mga suspek ang nasabing lugar hinggil sa online gambling na pinapatakbo ng mga nasabing dayuhan.

Narekober sa operasyon ang mga pasaporte ng mga suspek, computer at laptop na ginagamit sa kanilang ope­rasyon.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act at posibleng isailalim sa pro­seso ng deportation procee­dings ng BI ang mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy