Una sa Balita

8-buwang buntis niratrat, lover inasinta sa ulo

By
0 105

Hindi na naisilang nang buhay ang 8-buwang sanggol sa sinapupunan ng ina makaraang pagba­barilin ang buntis na ginang ng hindi pa kilalang mga suspek habang agaw-buhay naman ang lover nito sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa report kay QCPD Director Chief/Supt. Guil­lermo Lorenzo Eleazar, ni SPO1 Marvin Masangkay,­ ng ­Criminal Investigation Detection Unit (CIDU),­ ­nakilala ang nasawing si Jessel Duay y Pia­lago, na nagtamo ng multiple gunshot wounds sa katawan. Kritikal naman sa East Avenue Medi­cal Center ang ka-live-in nitong si Mark James Medinilla y Santiago, 31, na nagtamo ng bala sa ulo, kapwa taga-#21 Gold St., Area-A, Talanay, Brgy. Batasan Hills, QC.

Sa report kay Eleazar, nangyari ang krimen alas-siyete ng gabi sa No.60-San Juan Bautista St., Area A, Camp Site, Brgy. Payatas A, QC.

Magkasama umanong naglalakad ang mag-live-in nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspek na agarang ikinasawi ni Jessel at dahil sa ulo ang tama ni Medinilla ay inakala marahil ng mga suspek na napuruhan din ito kaya mabilis nang tumakas ang mga salarin.

Patuloy ang imbestigasyon ng CIDU at ina­alam kung may kaugna­yan sa ilegal na ­droga ang motibo ng pamamas­lang. Ina­alam din kung may closed circuit television (CCTV) sa lugar upang malaman kung nakuhanan ng foot­ages ang mga suspek. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy