Una sa Balita

8-anyos dedo sa riding-in-tandem

0 374

NASAWI ang 8-anyos na batang lalaki ­makaraang tamaan ng ligaw na bala, habang nasa kritikal ­naman ang dalawang iba pa kabilang ang isang kagawad na ­siyang target umano ng pamamaril ng ­riding-in-tandem sa Sta. Ana, Maynila.

Kinilala ni PSSg. John Teody Siguen ng ­Manila ­Police District-homicide section ang nasawi na si ­Rhonjay Furio, dahil sa tama ng bala sa dibdib.
Inoperahan naman sanhi ng mga tama ng mga bala sa katawan si kagawad Roberto Cudal, 52-anyos.

Habang nasa maayos na kalagayan pero ­patuloy na inoobserbahan ang isa pang biktima na si ­Romeo ­Nicolas, 59-anyos dahil sa tama ng bala sa pigi.

Nakikipagkuwentuhan umano sa labas ng ­barangay si Cudal habang katabi si Nicolas at hindi naman ­umano nakita kung saan nagmula ang bata, alas-4:34 ­kamakalawa nang hapon nang ­maganap ang krimen sa Onyx St., panulukan ng Estrada Sts., Sta. Ana.

Dumating umano ang apat na lalaki na ­nakasakay sa dalawang motorsiklo nang biglang paulanan ng ­putok si Cudal na kaagad na tinamaan.

Pinag-aaralan ng mga pulis ang kuha ng ­closed-circuit television na nakakabit sa lugar para malaman kung saan nanggaling ang bata at ­maging ang mga suspek.

Inaalam naman ng mga imbestigador kung may kinalaman sa trabaho ni Cudal ang motibo nang ­pamamaril. (Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More