Una sa Balita

8.2M turista puntirya ni Berna Romulo

By
0 264

NAIS maabot ng Department of Tourism (DOT) ang 8.2 milyong mga dayuhang turista na bibisita sa bansa sa taong ito.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kumpiyansa ang kagawaran na makakamit ang inaasam nilang target sa 2019.

Sa ngayon, target ng DOT na bilang ng mga dayuhang turista ay 15 porsiyento na mas mataas kumpara sa naitala noong 2018 na 7.1 milyon.

Sa kabila ng anim na buwang isinara ang Boracay dahil sa rehabilitasyon ay tumaas pa rin ng 6.6 porsiyento ang tourist arrivals sa bansa.

Hindi man nakapunta sa Boracay ang mga ito ay pumunta naman aniya ang mga dayuhang turista sa iba pang destinasyong lugar sa bansa kabilang na ang Bohol, Siargao, La Union at Bicol.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy