Una sa Balita

7th UNTV Cup: Dela Cuesta, Omiping kanya-kanyang pabida

By
0 738

Mga laro sa Miyerkoles:
(Pasig City Sports Center)
2 p.m. – Judiciary vs AFP
3:30p.m. – Senate vs Agriculture
5p.m. – PNP vs NHA

 Standings:
Group A: AFP (6-0), PNP (5-2), PITC (4-3), Senate (3-3)

Group B: Malacañang-PSC (5-1), NHA (4-2), DA (3-4), Judiciary (2-5)

MATIBAY ang kapit ng Malacañang-Philippine Sports Commission at Philippine National Police (PNP) sa tangkang semis bid matapos padapain ang kani-kanilang kalaban sa 7th UNTV Cup nitong weekend sa Pasig Sports Center.

Angat sa 5-1 baraha ang Malacañang-PSC Kamao sa Group B kasunod ng 75-66 pagsipa sa defending champions Senate Defenders sa tulong ng nagliliyab na mga kamay nina Erick dela Cuesta at Michael Ignacio.

Ang scoring machine ng dating Philippine Basketball League (PBL) na si Dela Cuesta ay pumos­te ng 22 puntos habang bumakas naman si Ignacio ng 14.

Malamya ang na­ging simula ng Kamao nang matambakan sila sa ope­ning quarter 23-3 pero bumulusok ito sa third canto hanggang sa madagit ang kalamangan 59-46 sa pagpasok ng huling 10 minuto.

Gaya ng inaashan, si Ollan Omiping naman ang nanguna sa pagposas sa 69-61 panalo ng PNP Responders kontra Judiciary Magis.

Akyat sa 5-2 ang win-loss record ng PNP habang natikman ng Magis ang ikalima nitong pagkatalo sa pitong asignatura.

Rumehistro ang da­ting UE star ng 17 puntos at pitong rebounds si habang si ABL veteran Harold Sta. Cruz naman ay nagkasya lamang sa dalawang puntos.

Sa iba pang laro, sumabog ng 26 puntos si Haddi Porto upang tulungan ang PITC na kaldagin ang Department of Agriculture, 88-62.
Bitbit ngayon ng Global Traders ang 4-3 na karta habang bagsak naman sa 3-4 na baraha ang DA Food Masters.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy