Una sa Balita

7th Best Player award isinubi ni ‘The Kraken’

By
0 403

RECORD-SETTER na si June Mar Fajardo, sinikwat ang pampito niyang Best Player of the Conference (BPC) award bago ang Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup Finals sa pagitan ng San Miguel Beer at Gineb­ra, Biyernes nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa edad na 28 lang, isa nang alamat ang 6-foot-10 giant ng Beermen. May apat na MVP trophy na siya, abot-kamay na ang panlima dahil nakakadalawang BPC honors na siya ngayong season pagkatapos itaas din ang parehong award sa Phi­lippine Cup.

Dahil dominado ng Cebuano ang BPC, hindi na masama na isunod sa kanyang pangalan ang award – June Mar Fajardo Best Player of the Conference.

Pero mapakumbaba pa ring tumanggi ang The Kraken, sa malumanay at mahinang boses ay sinabing sa iba na ipangalan.
“’Wag naman sa akin,” tanggi niya. “Nakaka-proud lang kasi tuloy-tuloy ‘yung blessings. Pero parang mas okay kung sa mga mas nauna sa atin ipangalan yung trophy.”