Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

7K pulis gumaling sa coronavirus

0 149

Umabot na sa 7,536 na mga pulis ang gumaling sa sakit na COVID-19, dagdag dito ang 66 sa kanilang hanay na nakarekober base sa ulat ng Philippine National Police Health Service (PNPHS).

Nasa 395 na lang umano ang aktibong kaso sa hanay ng kapulisan, habang nanatili sa 26 ang nasawi, ayon sa datos na inilabas ng PNPHS nitong Martes ng gabi.

Samantala, nitong Sabado ay pinagunahan ni PNP chief General Debols Sinas ang inagurasyon ng P10 milyon halaga ng facility housing swab booth at isolation room sa Police Regional Office-7. Kaya nitong magsagawa ng 300 hanggang 400 swab test kada araw. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.