Una sa Balita

7K gas station nakaabang sa dagdag-buwis na petrolyo

0 463

Umaabot pa lang sa 19% ng gasolinahan sa bansa ang nagkarga ng karagdagang excise tax alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ayon sa Department of Energy, mayroon pang 81% ng mga gasolinahan sa buong bansa ang naghihintay na lamang maubos ang lumang stock bago ipatupad ang dagdag buwis na P2 sa kada litro ng gasolina at diesel at P1 kada litro ng kerosene.

Sa 8,630 retail outlet (RO) o gasolinahan sa bansa, umabot na sa 1,639 RO ang nagpatupad ng ikalawang bugso ng excise tax sapul noong Enero 1. Sa bilang na ito, 115 RO pa lang ang binisita ng team ng DOE.

Pinagkumpara ng DOE team ang mga kopya ng depot-issued delivery receipt at sales invoice sa mga official receipt na ipinagkaloob ng mga RO upang matukoy ang petsa ng pagpapatupad ng excise tax at maberipika kung tama ang ipinatutupad nilang dagdag buwis.

Binigyan din ng show cause order ang mga RO at inatasan na ipaliwanag under­ oath ang kanilang maagang pagpapatupad ng second­ tranche at isumite lahat­ ng kanilang mga supporting­ document.

Samantala, sa ikatlong sunod na linggo ay muling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo nga­yong araw (Enero 22).

Pinangunahan kahapon ng kompanyang PTT Philippines, Pilipinas Shell at Total Philippines ang abiso na may dagdag presyo na P0.10 kada litro ng gasolina, P0.40 sa diesel, at P0.15 kada litro naman sa kerosene na ­epektibo ngayong alas-sais nang ­umaga. ­(Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy