Una sa Balita

7K baboy tinokhang sa Mindanao ASF

0 285

UMABOT na sa Davao City ang African swine fever (ASF) na sumalanta sa hog industry ng Luzon noong 2019.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) kahapon, Enero 27, 2020 nagkaroon ng mga suspicious death ng baboy sa mga barangay ng Dominga at Lamanan sa Calinan district ng Davao City. Ang dalawang barangay ay may 2,398 na ala­gang baboy at 407 sa mga ito ang pinatay na para hindi na kumalat ang ASF.

Sabi ni DA Secretary William Dar, nag-alok na si Davao City Mayor Sarah Duterte ng P5,000 bilang danyos sa bawat baboy na papatayin na hiwalay pa sa P5,000 na binibigay ng DA sa bawat alagang baboy na apektado.

Hindi malinaw kung nauna ang outbreak sa Davao City kaysa sa outbreak sa Davao Occidental na nagsimula noong Enero­ 29, 2020 base sa isinumiteng report ng Bureau of Animal Industry sa World Animal Health Organization.

Sabi ng DA kahapon, 14,087 na baboy na ang apektado ng ASF sa Minda­nao: 7,551 sa Don Marceli­no sa Davao Occidental, 4,138 sa Malita sa Davao Occidental, at 2,398 sa Calinan district ng Davao City.

Nasa 6,902 na mga apektadong baboy ang pinapatay na para hindi kumalat ang ASF sa Mindanao. Ayon sa 1-7-10 protocol ng DA, papatayin ang lahat ng nasa loob ng 1 kilometro ng nakitaang may ASF at imo-monitor ang mga baboy na nasa loob ng 7 kilometro. Mahigpit namang babantayan ang paglabas-masok ng mga hayop sa loob ng 10 kilometro. Karamihan sa mga pinapatayan ng baboy sa Luzon ay mga maliliit na backyard raiser dahil halos exempted ang mga commercial farm nang amiyendahan ng DA ang administrative order (AO) nito tungkol sa 1-7-10 protocol. Sa inamiyenda­hang AO, maaaring maglabas ng baboy ang mga commercial farm sa lugar na may ASF outbreak para dalhin sa accredited slaughterhouse at maibenta ang karne. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More