Una sa Balita

791 migrant kalaboso sa Mexico

0 355

NASA 791 mga mig­rant mula sa Central America kabilang ang 368 bata na walong taon pababa ang dinetine sa Veracruz, Mexico nitong Linggo, Hunyo 16.

Ang mga inares­tong migrant ay isinakay sa apat na trailer, ayon sa ipinalabas na pahayag ng National Migration Institute.

Kabilang sa 368 mga batang 8-anyos pababa na inaresto ay ang 270 na anim hanggang pitong taong gulang habang 98 naman ang may edad na 0 hanggang limang taon.

Ang mga dinetine ay mula sa mga bansang Guatemala, 413; Honduras 330 at Salvadorans, 39.

May anim ding human trafficker ang kasamang dinakma.

Ang pag-aresto sa mga migrant ay bahagi ng 45-araw para sa Mexico na labanan ang migration na bahagi ng kasunduan sa US.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More