Una sa Balita

79 Pinoy bumida sa Singapore math olympiad

0 396

By Juliet de Loza-Cudia

MAY kabuuang 79 Filipino math student mula Grades 2 hanggang Grade 11 ang nanalo ng 95 medalya sa ginanap na 5th Singapore International Math Olympiad Challenge (SIMOC) sa Singapore Asian MathSci League, Inc. noong Hulyo 7-8, ngayong taon.

Napanalunan ng mga estudyante ang tatlong ka­tegorya sa Math Olympiad, Math Warriors, at Mind Sports Challenge.

Ayon sa Asian MatSci League, Inc. (AMSLI), ang Math Olympiad ay isang 25-question written test.

Habang ang Math Warriors, ay isang mental sums, at isang strategic thinking na may kasamang elemento ng ‘luck’ gamit ang iba’t ibang shaped dice.

“Mind Sports Challenge is a one-hour activity where each team are given 10 IQ logic questions in a booklet and 4 hands on puzzles to solve,” ayon ss AMSLI.

Nabatid na may 1,100 estudyante mula sa 18 bansa ang lumahok sa SIMOC.

Ginanap ang awarding ceremony sa Star Performing Arts Theatre na dinaluhan ni Philippines’ First Secretary and Consul to Singapore, J. Anthony A. Reyes.

Kasama niya si Rechilda Villame, presidente ng AMSLI na naging daan para makalahok ang mga Pilipino sa SIMOC.

Ilan sa mga gold medalist ay sina Math Olympiad Gordula, Zac Harvey-Grade 2, Lopez Elementary School, Los Baños, Laguna; Yu, Caitlyn Stephanie-Grade 2, MGC New Life Christian Academy; Gellido, Jhoenica-Grade 5, Mother Goose Special Schools System Inc – Dagupan.

Maliban sa mga tumanggap ng ginto ay may mga silver medalist din kung saan ay umabot ang mga medalyang tinanggap sa 95.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy