Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

79 pang Pinoy abroad nagpositibo – DFA

0 9

Panibagong 79 kaso ng COVID-19 ang naitala sa hanay ng mga Pinoy sa abroad.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, pumalo na sa 23,115 ang kabuuang COVID-19 cases, habang nadagdagan din ng anim ang nasawi dahilan para umabot na sa 1,382 ang bilang ng mga namatay na Pinoy sa ibang bansa.

Nasa bilang na 13,328 naman ang nakarekober na sa virus, habang 8,405 Pinoy abroad ang kasalukuyan

pa.

Ang Middle East at Africa ang bansang pinakamaraming Pinoy na nahawa [12,998] kung saan 925 na ang patay at 6,586 ang nakarekober.

Ang Asia Pacific Region ay nakapagtala naman ng 5,430 infections kabilang 79 patay at 3,520 recoveries.

Leave A Reply

Your email address will not be published.