Una sa Balita

77 ospital sabit sa ‘Deposit, Detention Law’

0 357

NASA 77 na ospital nga­yon sa Region 1 ang iniimbestigahan ng Department of Health (DOH) dahil umano sa paglabag sa anti-hospital Deposit at Detention Law.

Ayon kay DOH assistant secretary Charade Marcado Grande, ng health regu­lation team, karamihan sa mga nasabing ospital ay nasampahan na ng kaso noong nakaraang taon.

“We are aiming to solve these cases within six months upon filing complaint,” ani Grande.

“Under Republic Act 10932, otherwise known as the anti-hospital depo­sit law, advance and/or deposit payments are strictly prohibited for patients who are treated or confined due to emergency and other serious cases,” dagdag pa ni Grande.

Sinabi ng DOH, kasama sa mga reklamo ay hindi pag-issue ng medical service dahil sa paunang bayad­ na maaaring ikamatay ng pasyente.

“RA 9439, or the anti-hospital detention law, prohibits the detention of a patient–either well or dead– who either failed to pay in advance or entirely pay his medical bills and expenses,” ani ng DOH assistant secretary.

Aniya, sa naturang batas, ang pasyente ay pinapayagang ma-release sa ospital o medical clinic­ sa pamamagitan ng promissory note. (Allan
Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More