Una sa Balita

77-anyos todas sa tangay ng agos

0 247

NASAWI sa pagkakalunod ang isang 77-anyos na lolo nang tangayin ng malakas na agos habang tumatawid sa bahagi ng Upper Pampanga River sa Sitio Calumpang, Barangay Cabucbucan, Rizal, Nueva Ecija.

Kinilala ang biktima na si Aurello Biag Ducusin, residente ng Pulong Diego, Brgy. Cabucbucan, Rizal.

Dadalawin sana ng biktima ang mga tanim na sibuyas sa kabilang ilog at ipinasiyang tawirin na lang ang ilog kesa umikot pa ng malayo-layo.

Gayunma’y bigla umanong natangay ng rumaragasang alon ang matanda at nawalan ito ng ulirat nang sagipin ng mga kagawad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.

Dinala si Ducusin sa Dr. Rafael Clinic sa Brgy. Poblacion Sur, Rizal subalit binawian na ito ng buhay. (Jojo De Guzman)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More