Una sa Balita

76 todas sa pagbaha sa Japan

By
0 880

PUMALO na sa 48 katao ang naitalang namatay, h­abang 28 naman ang pinaniniwalaang nasawi din sa tatlong araw na pagbuhos ng ulan sa Japan.

Ayon kay Japanese government spokesman Y­oshihide Suga, 92 katao ang hindi mahagilap, karamihan dito ay sa bahagi ng southern area ng Hiroshima prefecture.

Higit sa 100 katao naman ang naitalang sugatan at maraming sasakyan ang inanod ng baha. Pina­lipad na ang 40 helicopter para sa rescue mission.

“Rescue efforts are a battle with time,” ayon kay Prime Minister Shinzo Abe. “The rescue teams are doing their utmost.”

Sa pagtaya ng Japan Meteorological Agency, sa tatlong oras na pagbuhos ng ulan sa Kochi prefecture, nasukat ang tubig sa 26.3 centimeters o 10.4 pulgada, pinakamataas sapul noong 1976.

Hirap naman ang mga awtoridad sa assessment ng mga casualty dahil sa lawak ng tinamaan ng baha at pagguho ng lupa.